FINALLY, THE TRUTH.
This is the letter sent by Mrs. Jonathan Tolentino (first name: Margenia) to Mrs. Herbert Tansiongco (first name: Minerva Angeli) after Mrs. Tansiongco questioned Mr. Jonathan Tolentino's appointment as the head elder of Odiongan Church, supposedly stating reasons of alleged "unhealthy relationships with people from his workplace, that is, with her very own husband, Herbert." All of the supposedly "unhealthy relationships" are stated in the letter below by Mrs. Tolentino, together with witnesses from Romblon National High School - Odiongan.
December 13, 2008
Angeli:
Salamat sa ginawa ninyong pagsabi sa ibat-ibang tao ng mga bagay laban kay Boboy. Matagal kong pinigil ang sarili ko na sulatan kayo mula ng magkasamaan kami ng loob ng asawa mo. Nanalangin kmi na mapapalagpas namin ang mga bagay na nangyari at salamat na nagawa namin yon para makaiwas sa gulo kase hindi kami sanay sa nakasanayan mo e. Ang problema, sa aming pananahimik ay parang sinusubukan ng kaaway ang aming pagtitimpi. Kaninang alas sais ng umaga ay ginising kami ni Mam Febe Fallar at sinabi na nakarating na sa nominating committee ang mga reklamo nyo. Salamat sa lakas ng loob nyo na tingnan ang iba pero pilit tinatakpan at ayaw aminin na may mga pagkukulang din kayo. Marahil, panahon na rin na maipagtaggol namin ang aming sarili sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoong pinagmulan ng lahat. Alam namin na hindi mo alam ang tunay na dahilan kaya nagagawa mong magkwento sa mga tao na nakakarating din naman sa amin lahat, pilit nga lang naming pinagpapasensyahan at kinakalimutan. Kaya lang dapat ay malaman mo na rin ngayon.Ang sabi mo noon ay ayaw mong maglingkod sa iglesya kase masama ang ugali mo at ng pamilya mo. Ang pakiusap ko lang sa iyo ay hayaan mo na makapaglingkod ang ibang makasalanan na tulad namin para sa ganun ay makapanumbalik sa Panginoon bilang kristyano at wag manatili sa pagkakasala at gawing sangkalan ang ibang tao sa kanyang mga pagkukulang.Tungkol sa babae na na-tsismis sa asawa mo, kami rin ang huling naka-alam kahit marami na ang nakakaalam sa skul at pinag uusapan na ang asawa mo. Kaya ang ginawa ni Boboy ng marinig ang tsismis ay kinausap nya ng diretso pinagpayuhan si Totong na itigil nya kung ano man yon bago mo pa malaman. Ginawa ni Boboy na sabihan siya bilang pagmamalasakit sa inyo na itinuring na rin namin na pamangkin dahil kay Ate Dina kasi nag aalala kami na kung malaman mo ay kami ang pwede mong sisihin na di siya napag-payuhan e samantalang magkasama kami sa trabaho. Ang tsismis na yon ay hindi namin sinabi kahit kanino pero masama ang loob namin kasi kami pa rin pala ang pinagbibintangan ninyo na nagpalakat noon. Hindi namin maubos maisip kung bakit kami lagi ang napagbibintangan ninyo sa kabila ng pinagsamahan natin. Galing kay Jubilee ang balitang iyon na pinatutuhanan ng mga sinabi ni Robina . Alam yan lahat ni Totong dahil magkaharap-harap kami nuon na nakiki-simpatiya sa kanya. Maliban sa mga balita na yan ay may lumabas na bago at kaklase ni Jeko na si Nelfa Diokno na kamag anak daw ng babae ang may sabi nuon at si Bogang ang nagsabi nyan sa amin. AT THIS POINT IN TIME, HINDI NA AKO NAG-AALALA SA KUNG ANO PA MAN ANG MANGYARI KASI NAUBOS NA RIN ANG PASENSYA KO SA MGA IBINIBINTANG NYO SA AMIN NI BOBOY.
Panahon na kulang ang team namin sa third year kaya sumali si Boboy kahit siya ay naka assign sa first year dahil tapos na ang gawain nya noon. Kahit nagkaganuon ay kulang pa rin kami ng isang tao kaya ang asawa mo ang naisipan namin na tawagin kasi alam namin na siya ay hindi adviser at siya ay regular na member ng reading committee. Sinundo siya ni Boboy ngunit sumagot sya ng ganito “BAKIT AKO NA LANG LAGI?”. Kaya umalis si Boboy ngunit binalikan siya at tinanaong kung hindi talaga siya mag re-read. Sa muli ay sinagot nya si Boboy ng ganito “YONG IBA NAMAN”, siempre ibig sabihin noon ay hindi siya pupunta kase tinuturo nya kay Boboy na iba naman ang tawagin.
Hindi na nagpumilit si Boboy na tawagin sya at bumalik na lang sa aming team at sinabi sa amin na “AYAW SUMAMA E. IBA NA LANG DAW ANG TAWAGIN KASE LAGI NA LANG DAW SIYA “. Doon nagalit si Mrs. Fontamillas kasi hindi makapagsimula ng reading kya pumunta siya sa principal pero hindi namin alam kung ano ang sinabi nya sa principal. Nagulat na lang kami ng maya maya ay tumunog ang motor ng asawa mo at pumasok sa laboratory at ito ang sinabi “BAKIT KAYO GANYAN! NAKAKA BAD TRIP NAMAN KAYO. BAT NAGSUSUMBONG AGAD KAYO SA OFIS. SANA KINAUSAP NYO MUNA AKO. HINDI KO NAMAN SINABI NA HINDI AKO PUPUNTA”.
Ano sa palagay mo Ne, hindi ba siya kinausap ng tinawag siya ni Boboy na tumulong? Alangan namang magpaalam pa si Mrs. Fontamillas sa kanya na magsasabi ito sa principal kasi ayaw nyang tumulong? Kami pa ba ang nakaka-bad trip sa lagay na yon? Sa totoo lang, ang sabi ni Mrs. Fontamillas ay 2 beses pa lang siya na nag assist sa reading at late na siya dumating nung unang reading at nung pangalawa naman ay umalis siya ng maaga pa, kaya nainis si Ate Chit (Mrs. Fontamillas) kase nagsinungalaing si Totong sa pagsasabi na lagi na lang daw na siya ang tinatawag pero tungkulin naman nya talaga lahat un, lalo na siya na hindi adviser.
Si Boboy pa nga ang ginawa nyang sinungaling sa mga sinabi nya pero nagpasensya at tumahimik kami. Inaamin ko na nagalit ako sa kanya sa ginawa nyang yon kasi hindi na nya iginalang ang matatanda naming kasama sa team sa pagtataas nya ng boses sa amin. SIYA ANG UNANG NAGTAAS NG BOSES AT MAPAPATUNAYAN YAN NG MGA KASAMA SA TEAM. Natuklasan ko pa nung huli na kami pala ang pinagbibintanagn ninyo na nagsumbong sa principal at yan ay kaya kong patunayan sa harap ni Bogang na nagsabi sa amin. Sinabi mo pa nga raw na “AH, USA PA KINA SI FONTAMILLAS NAK YAIN IT BATASAN”.
Tahimik ang buhay namin pero nabago ito at nahaluan ng gulo mula ng makilala namin kayo. Ikaw na rin ang nagsabi noon na hindi na kayo sasama sa mga lakad namin kasI lagi kayong nag-aaway at napapahiya tayo sa ibang tao nakakarinig. Alam mo yan kasi paulit ulit mong sinasabi yan mula sa Boracay, Calatrava at Punta na kung saan ay kasama namin ang anak mo at tahimik ang buhay sa camping pero ng dumating ka ay naging maingay na at magulo. Tiniis naming lahat at pilit kayong inuunawa sa mga ginagawa nyo kahit nakakahiya talaga sa mga anak ko na nagbibinata at kana Elma na tahimik din ang buhay. Kaya nga ng hindi na tayo nagsasama ay nawala na ang bigat sa dibdib namin at tahimik na ulit ang buhay namin PERO AYAW NYO KAMING TIGILAN.
WAG NYO NAMAN KAMING IGAYA SA PAMILYA NYO NA HINDI NAUUBUSAN NG BAGAY NA PAG AAWAYAN KASI HINDI KAMI SANAY SA GULO. HINDI KAMI PINALAKI SA AWAYAN NG PAMILYA NAMIN, GANUON DIN ANG PAMILYA NI BOBOY. KAHIT MAKASALANAN KMI AY SINISIKAP NAMIN NA MANALANGIN AT HUMINGI NG TAWAD SA TUWI -TUWINA AT LAKAS NA MAPANAGUMPAYAN ANG MGA KAHINAAN NAMIN BILANG TAO AT HINDI NAMIN KAYA NA MAKIPAG-AWAY SA KA-PAMILYA LALONG LALO NA SA MGA MAGULANG NAMIN DAHIL MATAAS ANG PAGGALANG NAMIN SA MGA MAGULANG NAMIN AT YAN ANG IPINAMULAT SA AMIN NA UGALI. ANG AMING PAGLILINGKOD SA CHURCH AY HINDI DAHIL SA KUNG ANO PA MAN KUNDI ITO LANG ANG MAGPAPANATILI SA AMIN SA PANGINOON KAHIT KAMI AY MAKASALANAN. AT KAHIT ANO ANG SABIHIN NYO LABAN SA AMIN, PATULOY KAMING MANANATILI SA PANANAMPALATAYA NA ITO. HINDI KAMI GUMAGAMIT NG IBANG TAO NA DAHILAN SA PANGHIHINA NAMIN. SALAMAT SA MGA GINAWA NYO SA AMIN NA KAHIT NASAKTAN KAMI AY GINAWA NAMIN ANG MGA ITO NA DAHILAN UPANG LALONG HUMINGI NG LAKAS SA PANGINOON NA TULUNGAN KAMING UMUNAWA SA IBA, PERO HINDI PALA MABUTI NA LAGING NANANAHIMIK KASI NAAABUSO.
Tungkol sa pagsasabi ni Boboy na hindi Adventist ang asawa mo na ikinagalit niya ay ipinagtataka rin namin. Nagkataon noon na nagtanong ang principal sa miting kung sino ang mga Adventist na hindi pwedeng sumama sa parade ng pista at may sumagot na “si Mr. Tansiongco pa” kasi nabanggit na halos lahat ang pangalan naming maliban sa kanya. Nagsalita lang si Boboy na “HINDI PA ADVENTIST YON KASI HINDI PA NAMAN SYA NABIBINYAGAN”, AT YON ANG TOTOO DI BA? Narinig yon ng co-teacher namin at duon nagsimula na nagalit sya kay Boboy. HINDI PINAGSIGAWAN NI BOBOY NA HINDI SYA ADVENTIST. Marahan nyang sinabi yon BILANG IMPORMASYON. Masama na ba ngayon magsabi ng totoo?
Di ba pinagtawanan mo rin ang asawa mo nuong maglagay sya na Adventist sya sa birth certificate ni Eya kasi sabi mo ay nagsisinungaling sya dahil nga hindi sya baptized? Nagsisimba, oo, pero hindi yon sapat na sabihing Adventista sya. At maraming nagsasabi sa amin na yong pangyayaring yon ang ginagamit nyo na dahilan sa hindi nyo pagsisimba. Na hindi na kayo magsisisimba dahil sa amin. Di ba hindi naman talaga kayo nagsisimba ng regular? Bakit kami ang ginagawa ninyong dahilan?Sa totoo lang, ang paniniwala ko ay mabuting tao ang asawa mo kaya lang minsan mainit ang ulo nya kasi parang may problema sya sa iyo at sa pamilya mo. Ang sabi nya nuon sa akin sa burol ni Lola Bating ay kaya daw siya ayaw magpabinyag sa Adventist kahit alam nya na totoo ang paniniwala sa Adventist sapagkat naiugnay nya ito sa mga aklat nya sa History ay dahil masama daw ang ugali ng pamilya mo at yon ang tinitingnan nya…Sabi ko naman ay huwag syang tumingin sa tao kundi sa Panginoon lang.
Minsan pa nung magkatay sila ng kambing sa school kasama si Danny at Boboy ay sinabi nya na kung pwede ka lang nya saktan ay sasaktan ka na nya kasi nahihirapan na sya sa ugali mo. Kesyo hindi ka raw nya kayang supilin.
SANA KUNG MAY PROBLEMA KAYO SA PAMILYA AY IDALANGIN NYO NA LANG NA MAAYOS ITO. WAG NA SANA NINYONG HAWAAN ANG IBANG PAMILYA NG MGA UGALI NYO DAHIL INUULIT KO SA IYO NA HINDI KAMI SANAY SA MGA NAKASANAYAN NYO. SANA MA-REALIZE NYO NA KAHIT SAAN TAYO MAGKASAMA NOON AY KAYO ANG LAGING NAG-AAWAY AT MAGULO SA GRUPO AT HINDI PA NAGYARI NI MINSAN MAN LAMANG NA MAY NAGSIMULANG PROBLEMA SA PAMILYA NAMIN. ITONG SAMAAN NG LOOB NATIN AY KAYO ANG UGAT. HINDI KAMI ANG PINAGMULAN NITO.KAHIT DITO SA SCHOOL, KUNG ANO MAN ANG MGA GAWAIN NG ASAWA MO NA HINDI NYA NAGAGAMPANAN DAHIL SA NAPAKARAMI NYANG DAHILAN AY KAMI NI BOBOY ANG GUMAGAWA PERO WALA SIYANG NARINIG SA AMIN KAHIT ISANG SALITA. MULA SA NAPAKASIMPLENG RESPONSIBILIDAD NA AYUSIN ANG ASSIGNMENT NYA AT I CHECK KUNG WALA NANG KULANG SA MGA VENUE DAHIL SYA ANG CHAIRMAN SA HALL AND BENCH COMMITTEE AY NAPAPABAYAAN NYA MINSAN. KUNG MAY KULANG MAN AY HINDI NYA NALALAMAN KASI HINDI SYA NAGPA-FOLLOW UP GAYA NG KUNG KULANG ANG MGA UPUAN O ELECTRIC FAN…KASI NGA HINDI NYA INAASIKASO NG DIBDIBAN ANG TRABAHO NYA.
KAMI LAHAT ANG SUMASALO NG MGA PAGKUKULANG NYA SA TRABAHO AT YON ANG HINDI NYA ALAM KASI HINDI NAMAN KAMI NAGREREKLAMO PERO ALAM YAN NG KARAMIHAN DITO SA SCHOOL. KUNG HINDI MAN NYA AMININ YAN GAYA NG INAASAHAN NAMIN AY WALA NA KAMING MAGAGAWA. HINDI KO NA KAILANGANG ISA-ISAHIN PA. ULTIMONG SI MADAM LUCS AY NAGSABI SA AMIN NYAN.
GUMISING NAMAN SANA KAYO. WAG NYO NA KAMING IDAMAY SA MGA KAGULUHAN NYO. KUNG NAGREREKLAMO KAYO SA PAGIGING ELDER NI BOBOY AY MAGHARAP- HARAP TAYO SA NOMINATING COMMITTEE AT ISAMA MO ANG ASAWA MO PARA LALONG MALAMAN NG LAHAT ANG TOTOO.
MARGIE
Saturday, December 13, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)
