Wednesday, July 22, 2009

"Si Officer Buckle at Gloria" (ni Peggy Rathman)

Si Officer Buckle ang nakaaalam ng pinakamaraming batas pangkaligtasan sa kahit kanino sa Napville. Bawat oras na nakaiisip siya ng isa ay idinidikit niya ito sa kanyang pisara. Isa dito ang Batas Pangkaligtasan Bilang 77: "Bawal tumayo sa upuang de-gulong."

...

Ipinakakalat ni Officer Buckle ang mga batas na ito sa Napville School. Ngunit walang nakikinig, kalimitan pa'y sila'y humihilik.

...

Pagkatapos noo'y ganoon pa rin. Si Gng. Toppel, ang punong-guro ay ibinaba na ang pakilalang paskil. "Huwag tumayo sa upuang de-gulong," wika ni Officer Buckle, ngunit hindi siya napansin ng punong-guro.

...

Isang araw, ang himpilan ng pulisya ng Napville ay nagdala ng asong si Gloria. Nang panahon na upang magsalita si Officer Buckle, sumama ang aso.

...

"Mga bata, ito si Gloria," pakilala ni Officer Buckle. "Sinusunod niya nag aking utos. Gloria, Upo!" at naupo nga si Gloria.

...

Ibinigay na ni Officer Buckle ang Batas Pangkaligtasan Bilang 1: "Palagiang buhulin ang pisi ng inyong mga sapatos!" Napatingin ang mga bata at nakinig.

...

Tiningnan ni Officer Buckle kung nakaupo si Gloria at siya nga.

...

"Batas Pangkaligtasan Bilang 2," sabi ni Officer Buckle, "Laging punasin ang mga tubig sa sahig nang walang mapadulas!" Bumuka ang mga mata ng mga bata.

...

Tiningnan ni Officer Buckle si Gloria ulit, "Magaling na aso," sabi niya. Pagkatapos noon, winika ni Officer Buckle ang batas na nalaman niya kaning umaga.

...

"Huwag mag-iiwan ng thumbtacks na pwede mong maupuan." Doon ay napasigaw ang mga bata.

...

Napangiti si Officer Buckle. Tinapos niya ang pagsasalita ng mga batas na puno ng ekspresyon. Pumalakpak ang mga bata. Ang iba'y naiyak sa higit na kasiyahan. Hindi makapaniwala si Officer Buckle, dahil hindi niya napansin kung gaano pala kasaya ang pagbibigay ng Batas Pangkaligtasan. Pagkatapos ng pagsasalita ni Officer Buckle, wala nang kahit isang aksidenteng nangyari sa Napville.

...

Sa sumunod na araw, nakatanggap ng mga sulat ang himpilan ng pulis. Mula ang mga sulat-pasasalamat sa mga mag-aaral ng Napville School.

...

Sa bawat sulat, nakaguhit si Gloria. Nagtaka si Officer Buckle sapagkat punung-puno ng imahinasyon ang bawat sulat.

...

Ang paborito niya sa lahat ay ang sulat na hugis bituin na mula kay Claire. Winiwika dito: "Ikaw at si Gloria ay magaling. Ang inyong kaibigan, Claire. P.S. Lagi ankong magsusuot ng helmet, Batas Pangkaligtasan Bilang 7."

...

Pagkadikit ni Officer Buckle ng sulat ni Claire sa kanyang pisara, tumunog ang telepono. Mga paaralang hayskul, elementarya at kindergarten ang tumatawag para sa kanyang pagsasalita. "Officer Buckle," wika nila, "nais ng aming mag-aaral na marinig kayo! Pwede bang sa inyong pagparito ay isama mo ang aso?"

...

Sinabi ni Officer Buckle ang kanyang Batas Pangkaligtasan sa 313 na paaralan. Sa bawat paaralan na kanilang pinupuntahan, nakikinig ang mga kabataan.

...

Pagkatapos ng bawat pagsasalita niya, kumakain sila ni Gloria ng ice cream. Mahal na mahal ni Officer Buckle si Gloria.

...

Isang araw, isang grupo ng nagbabalita sa telebisyon ang nag-rekord sa video ng pagsasalita ni Officer Buckle sa loob ng isang awditoryum sa isang kolehiyo.

...
Nang matapos niya ang Batas Pangkaligtasan Bilang 99, "Huwag maligotuwing may unos," napatayo at pumalakpak ang mga estudyante. "Bravo! Bravo!" sabi nila. At si Officer Buckle nama'y yumuko nang yumuko muli't muli.

...

Nang gabing iyon, nanood ng balita si Officer Buckle. Nakita niya na ang paggawa ni Gloria ng kanyang sinasabi sa kanyang likod nang hindi niya nakikita ang siyang pinapalakpakan at hindi siya.

...

Pagka-umaga, tumawag ang punung-guro ng Napville School sa himpilan ng pulis. "Magandang umaga, Officer Buckle! Oras na para sa inyong pagsasalita!" Sumimangot si Officer Buckle. "Hindi na ako magsasalita pa! Wala namang nakikinig sa akin!" "Oh!" wika ni Gng. Toppel. "Papaano na si Gloria? maaari ba siyang pumunta?"

...

Mula sa himpilan ng pulis ay pinasakay si Gloria tungo sa paaralan. Umakyat ng entablado si Gloria na malungkot. Nakatulog siya pagkatapos, kasama ng mga manonood. Pag-alis ni Gloria, ang Napville School ay nagkaroon ng pinakamalaking aksidente.

...

Nagmula ito sa banana pudding na nakakalat sa sahig. Lahat ay napadulas, tumama sa upuang de-gulong na tinatayuan ni Gng. Toppel, na sumigaw at nabitiwan ang martilyong hawak niya.

...

Kinabukasan, maraming mga sulat ang ipinadala sa himpilan ng pulis. Sa lahat ng sulat ay nakaguhit ang aksidente. Sa ilalim ng sulat ay may isang hugis-bituin na sulat mula kay Claire. Napangiti si Officer Buckle.

...

Hinalikan ni Gloria si Officer Buckle at tinapik ni Officer Buckle si Gloria. Pagkatapos noon, nasisp ng pulsi ang pianakamainam na Batas Pangkaligtasan sa lahat...

...

"Batas Pangkaligtasan Bilang 101: Laging samahan ang iyong kaibigan!"

No comments: